15.10.08

gikumot-kumot, ang lyrics...


bigla na lang sumikat ang novelty song ng bandang 'kantin' ng cebu nang araw-araw na pagtripan nina ted failon at korina sanchez ang kanilang awiting 'gikumot-kumot'; medyo may double meaning ang dating kung nakakaintindi kayo ng sebuwano pero maaliw ka rin kahit papaano. kung hindi pa ninyo naririnig ito, mag-tune in sa 'tambalang failon at sanchez', sa dzMM, lunes hanggang biyernes, 8.30-10 n. u.


Gikumot Kumot

Gipanumpa ko na, nga kitang duha
Magtiunay sa ato nga gugma
Abi mo kita, magkadayon na,
Kay sa gugma mo, nanumpa ka...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Gipanumpa ko na, nga kitang duha
Magtiunay sa ato nga gugma
Abi mo kita, magkadayon na,
Kay sa gugma mo, nanumpa ka...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.

Kay Gikumot-kumot, gikumot-kumot
Gikumot-kumot, gikumot-kumot
Gikumot-kumot...
Kalit gibyaan, ikaw na naghilak
Mao nang dagway mo kung sa samin daw mabuak.
Chorus:
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay gikumot-kumot, sa dakong kamot
Ang dughan mong pagkadako, dako sa gugma.
Kay Gikumot-kumot... !

13.10.08

isang malayong nakaraan



kay tagal ko ring hinanap ang larawang ito. isang tanawing magpapaalala sa akin na mayroon akong isang malayong nakaraan na di ko nais mabura sa aking isipan. ito ang musuan peak na matatagpuan sa valencia , bukidnon (bagama't inari ito ng karatig na bayang maramag noong dekada 50, sana hindi ako nagkakamali). sa sitio ng musuan matatagpuan ang central mindanao university kung saan matagal-tagal ring nagturo ang aking namayapa nang ama. doon ako ipinanganak. doon ako nagkaisip at nagkamalisya. ang katuturan ng aking kabuoan ay doon hinubog habang ang aking mga alaala ay unti-unti nang lumalabo at kumakalas. marami akong nais ikuwento tungkol sa musuan ngunit sapat nang makaraan ang halos 35 na taon ay muli akong nakipagugnayan sa aking mga kababatang sina cynthia, gani, rudy, nestor, maria elena, marlyn, visminda, ted, ramon, aida... sana madagdagan pa sa mga darating na araw!

11.10.08

ang tipo kong balita!

Pinatay na buntis nagmulto!
Ni Joy Cantos
Sunday, October 12, 2008

Sinakmal ng matin­ding sindak ang burol ng isang pinaslang na buntis na misis makaraang su­mapi umano ang kalulu­wa nito sa kanyang 17-anyos na pinsang lalaki at ituro ang kanyang sari­ling Mister na siya uma­nong puma­tay sa kanya sa Bauang, La Union.

Batay sa ulat na naka­rating kahapon sa Camp Crame, naganap ang insi­dente sa gitna ng lama­yan sa bahay ng biktima sa Barangay Pottot da­kong alas-8 ng gabi.

Kasalukuyang pinag­la­­la­mayan ng kaniyang pamilya at mga kamag-anak ang nasawing gi­nang na si Jenalyn Gar­cia, 23-an­yos nang big­lang sani­ban umano nito ang binatang pinsan na hindi na pina­nga­lanan.

Sa gitna ng pagsapi ay isinalaysay ng “kalu­luwa” kung paano umano siya pinahirapan ng kan­yang mister na nakilalang si Rolando Garcia.

Ayon sa “kaluluwa” ng biktima, minartilyo ng kan­­yang mister ang kan­yang kamay at tinadya­kan pa nito ang kanyang ipinag­bubuntis hanggang sa tuluyan siyang mapa­tay na nangyari mismo sa kani­lang tahanan kama­kailan.

Humingi rin ng tulong sa mga awtoridad ang “kaluluwa” na bigyan ng katarungan ang kanyang brutal na pagkamatay.

Ayon naman kay Ba­rangay Capt. Quirino Ba­lagot, una nang humingi ng tulong sa kanya ang suspect na dalhin sa pa­ga­mu­tan ang kanyang asa­wa dahil uminom uma­no ng lason ang huli.

Gayunman, nabuo ang pagdududa ng tiyahin ng biktima na si Merly Rimas dahil sa kaka­ibang ikiniki­los ng suspect na tutol na magkaanak sila kaagad ni Jenalyn kung saan ng masawi ito ay kaagad na isinailalim sa awtopsya.

Sa naturang awtop­sya, lumilitaw na karu­ mal-du­mal ang pagka­matay ng biktima dahil nabali ang leeg at ka­may nito, nagka­roon ng contusion sa ulo at inilubog sa tubig dahilan upang magka­roon ito ng tubig sa baga.

Bitbit ang resulta ng aw­topsya ay dadamputin na sana ng mga awtori­dad ang suspect subalit tuma­kas ito tangay uma­no ang abuloy na nagka­kahalaga ng P5,000.

Naglunsad na ng ma­la­wakang manhunt operations ang mga awtoridad laban sa naturang Mister.

30.9.08

pogi ako... bang!

Inasinta sa tumbong ang isang binata ng isa sa magtiyo na sumita sa kanya matapos maingayan sa pagsigaw ng biktima ng “pogi ako!” habang naglalakad ito kasama ang mga barkada kamakalawa ng gabi sa Valenzuela City.
Kasalukuyang inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa puwet at balakang ang biktima na nakilalang si Jury Acero, 18-anyos at residente ng 2136 Lamesa St., Bgy. Ugong ng nasabing lungsod.
Samantala, nadakip ng rumespondeng mga pulis ang suspek na kinilalang si Fernando Catalla, 60-anyos, habang tinutugis pa ang pamangkin nito na si Aldin Limsia, 33, mga residente rin ng nasabing lugar.
Sa ulat ng Valenzuela City Police Station, alas-10:00 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ang apat na kabarkada sa kahabaan ng Lamesa St., nang biglang sumigaw umano si Acero ng “pogi ako!”.
Sa lakas ng sigaw ay napalabas ng kanilang bahay ang magtiyo at pinagsabihan ang biktima na huwag sumigaw dahil gabi na at nakakabulahaw na ito sa mga nagpapahinga.
Ngunit sa halip na sumang-ayon ay umalma ang mga kabarkada ng biktima hanggang sa muling pumasok ng bahay si Limsia subalit pagbalik ay may dala na itong baril at walang salitang pinaputukan si Acero.
Nang makitang humandusay na sa kalsada ang biktima ay mabilis na tumakas ang magtiyo. Agad namang isinugod ng kanyang mga kabarkada ang biktima sa nasabing ospital upang maisalba.


alvin madan
abante tonite

22.9.08

sa maanda, sa purita

... sobrang nakakaaliw ang email na ito from a friend. parang matindi ang diskriminasyon !

Kung mayaman ka, meron kang ‘allergy’

Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay ‘galis’ o ‘bakokang’

Sa mayaman, ‘nervous breakdown’ dahil sa ‘tension and stress’
Sa mahirap, ‘sira ang ulo’
Kung mayaman ka, ‘pneumonia’ raw ang sakit mo
Kung mahirap, ‘TB’ ’yon
Sa mayaman, ‘hyperacidity’
Kapag mahirap, ‘ulcer’ dahil walang laman ang tiyan

Sa mayamang ‘malikot ang kamay’, ang tawag ay ‘kleptomaniac’
Sa mahirap, ang tawag ay ‘magnanakaw’ o ‘kawatan’
Pag mayaman ka, you’re ‘eccentric’

Kung mahirap ka, ‘may toyo ka sa ulo’ o ‘may topak’ o ‘may sayad’

Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may ‘migraine’

Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay ‘nalipasan ng gutom’

Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is ‘scoliotic’
Pero kung mahirap ka, ikaw ay ‘kuba’

Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay ‘morena’ o ‘sun tanned’

Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay ‘ita’ o ‘negrita’ o ‘baluga’

Kung na sa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay ‘petite’
Kung mahirap ka lang, ikaw ay ‘pandak’ o ‘bansot’
Kung socialite ka, ikaw ay ‘pleasingly plump’

Kapag mahirap ka, ika’y ‘tabatsoy’ o ‘lumba-lumba’ ...pagminamalas ka, ‘baboy’ pa
Kapag mayaman, ‘fasting’ ang hindi kumain
Kung mahirap, ‘nagtitiis’

Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay ‘socialite’
Kung mahirap ka, ikaw ay ‘pakawala’ o ‘pok-pok’

Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay ‘liberated’
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo ‘malandi’
Kapag mayaman, ‘misguided’ o ‘spoiled’ ka
Kung mahirap ka, ‘addict’ o ‘durugista’
Kung may pera ka, ang tawag sa iyo ‘single parent’

Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo ‘disgrasyada’
Kapag mayaman at sexy, ‘fashionable’ raw
Kung mahirap, sigurado ‘GRO’ o ‘japayuki’ ka

Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, ‘vegetarian’
Habang kakaawa ang mahirap na ‘ kumakain ng damo.’

Sa exclusive school, ‘assertive’ ang mga batang sumasagot sa mga guro

Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay ‘bastos!’

Ang mayamang tumatanda, ‘are graduating gracefully into senior citizenhood’
Ang mga mahihirap ay ‘gumugurang’
Ang anak ng mayaman ay ‘slow learner’
Ang anak ng mahirap ay ‘bobo’ o ‘gung-gong’

Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,

‘masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking’

Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay ‘patay-gutom’

Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang tawag sa iyo ‘expat’
Kung mahirap ka lang, ikaw ay ‘contract worker’

18.9.08

ang laban ni brad


Nagpahayag si Brad Pitt noong miyerkules na maglalagak siya ng $100,000 upang tutulan ang Proposition 8 ng California ; ito ang November ballot initiative na magsawalang-bisa sa same-sex marriage sa naturang estado. Sa kanyang press release sinabi ng actor na, “Because no one has the right to deny another their life, even though they disagree with it, because everyone has the right to live the life they so desire if it doesn’t harm another and because discrimination has no place in America, my vote will be for equality and against Proposition 8.” Si Pitt ang kauna-unahang actor na nasa ‘A’ list na nagbigay ng ganoon kalaking donasyon para sa adhikain at mga lumalaban para rito at umaasa siyang susuporta rin ang karamihang actor tulad niya. Dugtong pa ni Brad, hindi sila magpapakasal ng ka-live-ing si Angie hangga’t hindi malayang magpapakasal ang sinumang nagnanais na hindi sinusupil ng anumang batas! Bongga! Isa kang alamat BRAD!



tara na sa BAñAMOS festival!

sobrang saya na naman dito sa amin lalo na sa bayan area ng los baños laguna, syempre dahil minsan pa sineselebra namin ang Bañamos Festival... sari-saring aktibidades upang mapalapit sa isa't isa ang mga barangay at syempre pa para ipagyabang ang mga katangi-tanging produkto at talento... heto po ang iskedyul...

Bañamos Festival 2008 (7th Bañamos Festival)

17 September, Wednesday
7:00am-9:00am Civic Parade - Festival kick-off (Olivarez Plaza to municipal hall)
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-12:00nn 393rd Foundation Anniversary Program (Municipal covered court)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00pm-12:00m Barangay Night - Get-together party (Municipal covered court)

18 September, Thursday
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00pm-12:00mn Bailamos - Dance challenge (Municipal covered court)

19 September, Friday
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00pm-12:00mn Himigsikan - Battle of the bands (Municipal covered court)

20 September, Saturday
8:00am-2:00pm Buko Pie at palarong pinoy (Paciano Rizal Park)
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale (Participating stores)
7:00pm-12:00pm Miss Los Baños Pageant Night (Municipal covered court)


21 September, Sunday
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00am-6:00pm Bayle sa Kalye - Street dancing competition
(Olivarez/Poblacion streets to municipal covered court )
7:00pm-12:00mn Grand Revelry - Kaleidoscope of lights & sounds
(Paciano Rizal Park)


For more information:

You can contact the Bañamos Secretariat at Tel. No. (049) 536-1385.