30.4.09

araw sa tag-ulan

sobrang ulan na ito sa kalagitnaan ng tag-araw. bahagya pang napawi ang halumigmig na hatid ng nakaraang pasko, eh, lintik at biglang lumulob muli ang sambayanan sa baha! mas malala pa. kaya naman, pagkapananghalian ayun at katalamitan ko radyo na nakagawiang umuyayi sa akin tungo sa isang mahimbing na siesta. lagi akong nakatutok sa SUPER RADIO DZBB tuwing ala-una dahil masigasig ang boses na aking naririnig sa kanyang gawaing pagtulong sa mga may mga hinaing at mga nais may ipaabot na katiwalian. buo at macho ang boses ni gani oro na siyang host ng ORO MISMO. sa halos ata mahigit anim na buwan ng aking pakikinig parang pakiramdam ko ay may relasyon na kami! ilusyon! sa dami ng kanyang mga nairaos mula sa kanilang mga problema, parang gusto ko na rin minsang dumulog sa kanya pero parang hindi VALID ang mga nais kong pakialaman niya!

at heto na nga kanina, biglang nawala ang aking antok nang mailahad ang bitbit na suliranin ng isang ale mula mandaluyong. aniya, nais niyang makipagtulungan sa bureau of immigration para maiuwi sa norway ang isang national na kasalukuyang nasa kanyang pagkandili. ayon sa kanyang salaysay, natagpuan niya ang 43 años na norwegian na pakalat-kalat sa luneta. nanlilimahid at nagpapalimos noong isang buwan. sinaniban raw siya ng awa at inuwi sa kanila at inalagaan. nagawa niya ito sa gitna ng kanyang pagsasaayos naman ng sariling papeles upang mamasukan sa bahrain. nagawa rin niya ito kahit na maliit lang ang kanyang bahay kasama ang asawa at mga anak. GELMA ang pangalan ng ale at nagkusa siyang makipagtulungan na sa norwegian embassy at sa mga magulang (na nasa norway at hindi masundo ang anak dahil sa katandaan; pero nagpadala na ng perang pambili ng tiket) ng kanyang inampon. sa kanyang deskripsyon sa banyaga, parang nagkatrauma ito at mayroong nervous breakdown dahil takot raw ito sa tao at sa kanya lang nagtitiwala. kailangan lang niyang dumulog kay Gani upang maitulay siya sa immigration office at dumaan sa tamang proseso na mapauwi ang kawawang foreigner.

namangha si gani sampu ng opisyal ng immigration sa kagandahan ng loob ni aling Gelma, napaiyak naman ako dahil sa pagkabusilak ng kanyang puso na bigyan ng puwang ang isang taong naligaw at napariwara sa kanyang bayan... biglang bigla parang umaraw sa maulan kong hapon...

malamang sa darating na mga araw mafifeature ang kwento ni aling Gelma sa mga news at public affairs show ng GMA, at seguro mas magkaroon ng lawak ang laman ng kwentong aking inilahad.

26.4.09

PLEASANT VILLAGE (LOS BAñOS LAGUNA) ELECTS ENVIRONMENTAL TERRORISTs AS PRESIDENT & VICE PRESIDENT!





ITO ay isa sa mga kaganapang lubhang nakababahala. kahit na it ay isang pangyayari sa isang malayo at pangkaraniwang subdivision sa laguna. ang pleasant village ay minsang naging isang katangi-tanging lugar kung saan maraming mga edukadong tao ang naninirahan. mga propesor sa karatig na UPLB, mga technocrats sa IRRI at iba pa. nitong nakaraan eleksyon ng mga board members, inihalal nila sa dalawang pinakamataas na katungkulan ang dalawang maituturing na ENVIRONMENTAL TERRORISTS.

BAKIT naman? una, yaong VICE PRESIDENT ay naglagay ng manukan sa mismong bahay niya. okey lang yon kung mangilan-ngilan , ngunit, noong tumagal ay mistulang poultry na at nagpyesta ang mga bangaw sa gitna ng amoy nito. ito ay nangyari noong mga 1998, at kung hindi ko pinursiging tanggalin ito malamang may babuyan na rin siya. ang nakakatawa pa, nang inireklamo ko ito sa samahan, parang naramdaman ko na nais nilang konsintihin ko na lang? HELLO? EH kaso dinukomentaryo ko ito at naihinga na sa isang dating kasamahan sa brodkast sa isang network kung kaya nang sabihin ko na kung hindi nila tigilan ang kabalbalan iyon, tiyak sisikat sila ON NATIONAL TV. tinanggal naman, pero ang KAHUNGHANGAN ay nakatatak na.

ito namang PRESIDENT. ewan kung saan nagmana ng pagkaMORET. noong 2005, aba, biglang nagtayo ng TALYER sa harap ng kanyang bahay. noong una, akala ko'y simpleng pagkumpuni lamang. pero 'wag ka, maya-maya'y may tolda na at ilang sasakyan na ang nakapila. syempre, akala ko matinong matandang dalaga ang damuho eh di hinayaan ko na muna. aba naman, heto na po at nagpipintura na sila, syempre amoy kemikal na ang paligid! at di naglaon may mga TRAK nang nakaparada para pansinin! tinawagan ko sila at sinabing parang dapat nilang tanggalin ang ganung kalakaran pero di nila ako pinansin. mistula nang talyer ang kalyeng dinadaanan ko! tineks ko ang LUKRING na presidente ng panahong iyon pero kinompronta pa ako ng makapal na mukha niya na para bang OK lang ang ganun! sa inis ko, binato ko sila ng mga bote, sa isip ko, ABA KUNG BABUYAN LANG NG KAPALIGIRAN , SALI NA RIN AKO DIYAN. tinawag nila ang barangay captain na wala namang nagawa kundi sang-ayunan ako sa aking reklamo. aba , makapal din ang mukha ng matandang dalaga (na kung UMASTA ay parang lalakeng baduy) at kinompronta pa ako! THE NERVE. may death threats pa ang GAGA! ewan ko kung alam niyang naidokumentaryo ko rin ang kanyang KAISTUPIDAHAN at puede kong iYOUTUBE anytime na asarin ako muli para makita ng buong mundo ang kanyang malabakulaw na hitsura habang bumubula ang bibig at ipinangangatuwiran ang KABALAHURAAN SA KAPALIGIRAN!

sa lahat ng ayaw ko, MGA TAONG BINABALAHURA ANG KAPALIGIRAN... dapat SINASARILI ANG KABABUYAN... kung anumang KAWALANGHIYAANG gawain, sana gawin ito sa LOOB NG SARILING BAHAY at dapat hindi NAGKAKALAT NG MASANSANG NA AMOY! pweh!