sobrang init. kaya naman pag nagdyip ka sa katanghaliang tapat tiyak na aantukin ka at gusto mong humilata sa lilim ng mga antigong puno sa baseball field. bahagya kong napansin ang isang ale nang sabay kaming iluwa ng arko sa animal husbandry. medyo payat, nakamey-ap at mukhang one-of-those na empleyada sa mga mall-mall-an sa tabi-tabi at karatig. pagkasakay namin sa dyip at pagkabayad, bigla niyang hinugot ang kanyang selpown , nag-dayal at maya-maya pa ay may kausap na. malagong ang boses niya , hindi bagay sa katawang hapit at enpernes , mala-callcenter agent magsalita. magkaharap kami sa upuan.
'hello, yaya?'
'hows my baby?'
'ahhh'
'naku, hwag! hwag mong pakainin ng icecream... sabihin mo... hello? hello?'
'o, baby? why did you make agaw the phone of yaya?'
'ahhh, no, you cannot eat icecream!'
'i said no!'
'you give back the phone to yaya!'
'now na!'
'hello, hello?'
eh sa puntong interesante na rin kaming iilang pasaherong makinig sa kanyang pagtatalak, biglang pumreno ang drayber sa may simbahan nang biglang may sumulpot na kotse sa harap niya. palibhasa'y nakakapit ako sa hawakan di ako masyadong napaigtad. tumalsik sa pagkabigla ang selpown ng ale na agad ko namang nasalo. mistulang gumuho ito sa aking pagkasapo. sobrang gaan. walang laman. casing lang palang iniskatsteyp! wasak. nawala ang antok ko...
1 comment:
haha kakatawa naman ang pangyayaring eto!
kahiyahiya pa :P
Post a Comment