nabulahaw ang pagdating ng pasko nang biglang bumulaga ang balitang pinaslang ang isang haligi sa larangan ng sining sa 'pinas na si ernest santiago. naganap ito sa kanyang tahanan mismo sa pagsanjan , laguna kung saan ay halos isa't kalahating dekada na siyang naninirahan. kilala bilang punong pasimuno sa mundo ng istilo't kasosyalan dahil sa kanyang mga kakaibang obra, siya rin ang ang 'santiago de manila' na nagtaguyod sa coco banana , ang tambayan noong panahong 70 ng mga magaganda at mababangong tiga-maynila at karatig. isa siyang huwaran ng taong nagsumikap at umahon sa kahirapang kanyang kinamulatan ; inukit niya ang sariling mundo sa kanyang imahe upang magsilbing inspirasyon ng mga ka-tribu. bagama't saglit ko siyang nakatalamitam noong bago pa lamang siya sa pagsanjan, nakitaan ko siya ng maaliwalas na pag-iisip at pagpapahalaga sa kapwa na bihira sa mga taong meron ang estado niya.
at ngayong pasko'y wala na nga si tito ernest na madadaanan kong nakatayo sa harap ng kanyang restoran at nagyoyosi o di kaya'y mamamataang may kung anong kinakalikot sa kanyang magarang hardin... wala na rin ang malutong niyang halakhak sa paligid ng kanyang mga alaala.
sino ang pumaslang sa kanya? sinong walang pusong hayaang kitilin ang buhay ng isang katulad niyang di matawaran ang naaabot na imahinasyong palamutian ang hungkag na mga sulok at palaguin ang bawa't sibol ng isip upang paliguan ang mata ng matimyas na tanawing kalugod-lugod? sinong walang kaluluwang magkusang tanggalan ng buhay ang isang matalinhagang nilalang ng ating panahon?
malamang sa hindi, katulad ng mga kauring krimen na nangyari kina versace, vergel cosico ng san pablo, 'jema' ng junction los baƱos , 'mario' ng camella homes, minglanilla, cebu, at marami pang iba : ipagdadasal na lamang natin ng taimtim ang kanilang mga kaluluwa.
4 comments:
it seems that the late mr santiago's friends are interfering with the process. they should just leave it to the authorities to investigate the suspects. are they trying to shroud the whole scene with fears that unflattering events can unfold for public consumption. this is sad.
sumalangit nawa ang kanyang kaluluwa..
bago ka magiging abala ngayong pasko, babatiin kita ng isang maligaya at mapayapang pasko!!
mabuhay ka, AnChAfLu CoNcHuChu!!
Sana handugan sya ng katarungan ngayong kapaskuhan.
daghan salamat sa greetings, @batang buotan... hapi nyu yir sab nimo 'dong!
@yoruosu12, actually nadakip na ang pumaslang sa kanya ; mga taong kanyang pinagkatiwalaan ng matagal na panahon ngunit naghangad na pagnakawan siya at eventually napatay. sad nga @emiljacinto...
tsk... tsk...
Post a Comment