hindi ko maubos-isip kung bakit kailangan mong lumisan. lumisan sa mundong kinasanayan sa mahaba't kalahating panahon. wala rin akong matantiyang dahilan upang kausapin ka't makipagpaliwanagan. sapat nang sa turo-turo ni mira ako hahagilap ng balita tungkol sa iyo. sapat na ring sanayin ko ang bagong tawag sa'yo : caloy.
oo , mga kapanalig sa pederasyong lumuluhod nang walang belong lace ; nagpapaalam na si carlota. si carlotang hitad na malandi pa sa asong ulol. si carlotang kapag naglalakad sa kalye ay may hawak-hawak na lipistik. siya rin yong bakla sa baryo alaws na minsan nang nagtulak ng droga , najulie ann fortich, na-miss colombia at lumaya rin sa awa ng diyos.
ewan lang kung ano nga raw ang sumibol sa kulot niyang floor-lenght hair at nang kanya itong pagupitan ay diretso na ang salita niya, azzin wa na ang lambing sa dulo. natagpuan rin ang mga miniskirt at spaghetti blouses niya sa sagingan sa may likod bahay nila (na dinampot naman ni 'flowers', ang gursiwanggang joklish na shupitjuhay nila).
wala na rin siya sa pinagtatrabahuhang jorlor... tumawid kalye na siya sa barberya ni mang omeng. lagi na rin daw siyang nakapolo at slacks. kung noon ay mahahagip mo siya agad sa gitna ng karagatang-tao sa palengke dahil sa kanyang nanlilisik na kulay ng buhok, ngayon ay mistulang karayom na siya rito at marami nang kamukha.
sa huling siyete ni mira (na palipat-lipat ang nunal sa pisngi), mag-aasawa na raw si carlot... este, caloy. may nililigawan na rawng dispatsadora sa isang department store. at take note, ang bati na raw niya sa mga dating kagaslawang mga jokla ay : 'mga parekoy!'
seguro nga mas bagay sa kanya ang 'normal' na buhay. sana nga ay maging hulmahan ang kanyang pinagdadaanan ng mga nagbabalak tumikwas ang beywang, sana'y dumami pa ang magbabalik-loob sa kanilang tunay na kasarian ; para naman masasarili na namin ang mga papa!
at sana 'wag namang ma-im sa akin si mrsJ, na itinag ko siya rito!
5 comments:
gusto ko ito. gustong-gusto.
bagong bihis ang blog mo. nindot!
salamat mandaya moore-orlis at nagustuhan mo siya...
lagi batang buotan, kaya lang na-wa ang ubang widgets... kapoy! salamat pud kay nanindutan ka...
ang alam ko maraming bading na nagkaanak sa babae... pero para mag-'resign' sa pagkabakla ay ibang usapan. 360degree turn? magandang pag-aralan... nice post!
ateng panu gagwin ko? pasensia islow mo!1
Post a Comment