12.12.07
"kasadya niining takna-a..."
tuwing kakatok ang pagbabadya ng pasko sa'king kamalayan, hindi ko maiwasang manlumong mayroon akong matatawag na mga masasayang alaala ng panahong ito. hatid ng halumigmig ang muling pagkiliti ng mga pangyayaring naganap marami man o konting taong nakaraan. kasabay ng mga impit na halakhak at hagikgik ang pagdaloy ng maiinit na luhang nagpapahiwatig na wala tayong kapangyarihang maaring maghahatid sa atin pabalik sa kuntil-butil na mga eksena iyon. 'kasadya niining takna-a ...' ang top christmas hit sa kabisayaan at mindanao ang siyang humahalina sa mga matatamis na araw ng aking kabataan sa bukidnon... kung saan ang hungkag na kahulugan ng pasko ay maagang nakintal sa aking puso.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
sigh...
very sad naman... sa pagka-intindi ko ha...
:-)
Post a Comment