4.12.07

bulsa sa balat

maiiwasan kaya nating hwag makatagpo ng taong may bulsa sa balat? weird kasing pakinggan. paano naman kaya magkakabulsa ang balat? pero totoo. mayroon talagang mga taong biniyayaan ng ganitong katangian. sila 'yong mga taong masinop sa pamamalakad ng kanilang kadatungan. hindi mo sila basta mahihiritan, kahit sa anong kadahilanan. kahit buhay , malamang itataya nila huwag lang basta malagasan ng ilang pirasong anda. sa mga juding ang tawag sa kanila ay si manay koring. superkoring naman kung bagyo ang dating ng pagkakuripot!

avah may advantages din naman ang ganitong kalakaran , sa madalas sa hindi ay maasahan sila sa panahong talagang may matinding pangangailangan. tulad ng pagkakasakit ng kamag-anak o kamag-anak ng mga pamangkin nilang hilaw. kahit nga medyo bihira ito sa mga joklish, mayroon ka pa ring matitisurang isa sa bawat 20ng bakla. o, diva , k na rin 'yon. sila 'yong laging may pinaglalaanan. sila 'yong paglabas ng bagong tipong cellfone, hev agad sila. lahat ng kabling-blingan meron sila. sila rin yong unang nagkaroon ng flatscreen sa barkadahan. hev din sila opkors ng sasakyan : carungga, nyotor o kahit pedicab (na pinapasada ng ama ng papa). masarap din silang kausap kapag pangangalaga ng kadatungan, kaandahan at kaperahan ang topic... malalalim ang perceptions nila ukol dito...

syempre may downside rin ang mga shutangenetch; sila rin ay yong F-L ... azzin freeloaders. puede rin silang maging social climbers kasi naman, chumichika sila sa mga richildang fwends sa mga sosyalang pakarangkatu! malimit din silang nanunumbat kapag medyo hindi sila nasiyahan sa'yo o di kaya nahihirapang i-manipulate ang values mo... mahirap silang kausapin kapag hindi pa nila nababalanse sa utak nila ang kinalalagyan ng lahat ng kanilang ari-arian kesehoda pang nagpapapansin na naman si sonny. ganun.

3 comments:

Anonymous said...

maraming ganun. wala naman tayong karapatang bugbugin sila. maganda na lang na hayaan sila; karmahan lang naman ata yan.

yoruosu12 said...

Hwaaaaattttttttt??? Ganyan na ba ang tawag sa mga kuripot? Di ang daming mga 'MANANG KORING' mula sa Ilocandia? Malamang kasama ako dun. hehehehhehe!

Salamat nga pala sa pag-add mo sa akin sa blogroll mo.

More power to you and keep writing. Let's make this world a better place.

Hasta luego desde Republica Dominicana.

paul h roquia said...

hello, yoruosu12, actually 'manang koring', superkoring, koringring pa rin ang tawag sa mga taong classified as may 'bulsa sa balat'.

regards dyan sa republica dominicana!