sobrang init. kaya naman pag nagdyip ka sa katanghaliang tapat tiyak na aantukin ka at gusto mong humilata sa lilim ng mga antigong puno sa baseball field. bahagya kong napansin ang isang ale nang sabay kaming iluwa ng arko sa animal husbandry. medyo payat, nakamey-ap at mukhang one-of-those na empleyada sa mga mall-mall-an sa tabi-tabi at karatig. pagkasakay namin sa dyip at pagkabayad, bigla niyang hinugot ang kanyang selpown , nag-dayal at maya-maya pa ay may kausap na. malagong ang boses niya , hindi bagay sa katawang hapit at enpernes , mala-callcenter agent magsalita. magkaharap kami sa upuan.
'hello, yaya?'
'hows my baby?'
'ahhh'
'naku, hwag! hwag mong pakainin ng icecream... sabihin mo... hello? hello?'
'o, baby? why did you make agaw the phone of yaya?'
'ahhh, no, you cannot eat icecream!'
'i said no!'
'you give back the phone to yaya!'
'now na!'
'hello, hello?'
eh sa puntong interesante na rin kaming iilang pasaherong makinig sa kanyang pagtatalak, biglang pumreno ang drayber sa may simbahan nang biglang may sumulpot na kotse sa harap niya. palibhasa'y nakakapit ako sa hawakan di ako masyadong napaigtad. tumalsik sa pagkabigla ang selpown ng ale na agad ko namang nasalo. mistulang gumuho ito sa aking pagkasapo. sobrang gaan. walang laman. casing lang palang iniskatsteyp! wasak. nawala ang antok ko...
29.3.09
2.3.09
marupok , mapusok , pokpok!
hindi ko na matandaan kung sino ang pinatungkulan ng tatlong magkatunog na salitang nagtatapos sa -ok, hindi okey ha kundi palasak na -ok. parang ang pinapahagingan ay isang aktor na diumano'y walang kasawa-sawa sa seks samantalang ipinagkakalat ng mga nakakangkangan niya na hindi naman kalakihan ang kanyang kuya. ang kuya niyang walang mata, walang ilong nasa tuktok ang bibig, ulo lang talaga. pero kapag sinambit... marupok... mapusok... pokpok... puede ring ihambing sa tatlong henerasyon ng di matighaw na kati.
kilalang-kilala sila sa aming lugar. matanda na ang lola, malamang lampas 70 na nguni't masigasig pa rin sa paghahanap ng makakasiping. buhay pa naman ang asawa niya pero mukhang hindi na sakop ng pagiging ulyanin ang pakipagtalik. ang anak naman ay makati pa sa aso, malingat lang ang kung sino, malamang may tangan na itong buto. hiwalay na sa asawa niya dahil garapalan kung dumiskarte ang bruha. kesehodang weyter o boy nila sa kanilang nabangkaroteng restoran hindi niya sinanto. tama na sanang matsismis ang mag-ina, pero nang mabalitaan naming pati na ang disiseis anyos na apo ay nakikipaglaplapan na rin sa kung sinu-sino, kung saan-saan; naalarma kami hindi dahil sa kahihinatnan nito pagdating ng panahon kundi sa katotohanang may pamilya na nga ng pokpok sa aming munting mundo.
ang sabi ng ilang kaibigan ng anak, sadya rawng namamana ang pagiging nymphomaniac, lalo na kung hayagang nakikita ng mga kapamilya ang kaaliwaswasan. sadya rawng nagiging normal na lang ang pagpaparaos sa kung sinong lalaking nasa paligid. malalim na katiwalian ito ng may katawan at nararapat siyang magpatingin sa isang psychiatrist kung nais niyang maibsan o mabigyan lunas ang ganitong gawi.
pero kung hindi rin lang naman nakakaabala sa kapwa at walang nadedehado; bakit pa natin pakialaman, diba? sapat nang alam natin kung kailan tayo mabubulag o mabibingi sa tuwing sinusumpong sila ng kati.

Subscribe to:
Posts (Atom)