30.9.08
pogi ako... bang!
Kasalukuyang inoobserbahan sa Valenzuela General Hospital sanhi ng tama ng bala sa puwet at balakang ang biktima na nakilalang si Jury Acero, 18-anyos at residente ng 2136 Lamesa St., Bgy. Ugong ng nasabing lungsod.
Samantala, nadakip ng rumespondeng mga pulis ang suspek na kinilalang si Fernando Catalla, 60-anyos, habang tinutugis pa ang pamangkin nito na si Aldin Limsia, 33, mga residente rin ng nasabing lugar.
Sa ulat ng Valenzuela City Police Station, alas-10:00 ng gabi, naglalakad ang biktima kasama ang apat na kabarkada sa kahabaan ng Lamesa St., nang biglang sumigaw umano si Acero ng “pogi ako!”.
Sa lakas ng sigaw ay napalabas ng kanilang bahay ang magtiyo at pinagsabihan ang biktima na huwag sumigaw dahil gabi na at nakakabulahaw na ito sa mga nagpapahinga.
Ngunit sa halip na sumang-ayon ay umalma ang mga kabarkada ng biktima hanggang sa muling pumasok ng bahay si Limsia subalit pagbalik ay may dala na itong baril at walang salitang pinaputukan si Acero.
Nang makitang humandusay na sa kalsada ang biktima ay mabilis na tumakas ang magtiyo. Agad namang isinugod ng kanyang mga kabarkada ang biktima sa nasabing ospital upang maisalba.
alvin madan
abante tonite
22.9.08
sa maanda, sa purita
Kung mayaman ka, meron kang ‘allergy’
Kung mahirap ka, ang tawag dyan ay ‘galis’ o ‘bakokang’
Sa mayaman, ‘nervous breakdown’ dahil sa ‘tension and stress’
Sa mahirap, ‘sira ang ulo’
Kung mayaman ka, ‘pneumonia’ raw ang sakit mo
Kung mahirap, ‘TB’ ’yon
Sa mayaman, ‘hyperacidity’
Kapag mahirap, ‘ulcer’ dahil walang laman ang tiyan
Sa mayamang ‘malikot ang kamay’, ang tawag ay ‘kleptomaniac’
Sa mahirap, ang tawag ay ‘magnanakaw’ o ‘kawatan’
Pag mayaman ka, you’re ‘eccentric’
Kung mahirap ka, ‘may toyo ka sa ulo’ o ‘may topak’ o ‘may sayad’
Kung mayaman ka at sumakit ang ulo mo, ikaw ay may ‘migraine’
Kung mahirap ka naman at sumakit ang ulo mo, ikaw ay ‘nalipasan ng gutom’
Kung mayaman ka, you are referred to as someone who is ‘scoliotic’
Pero kung mahirap ka, ikaw ay ‘kuba’
Kung ang señorita mo ay maitim, ang tawag ay ‘morena’ o ‘sun tanned’
Pero kung isa kang domestic na maitim, ikaw ay ‘ita’ o ‘negrita’ o ‘baluga’
Kung na sa high society ka at ikaw ay maliit, ang tawag sa iyo ay ‘petite’
Kung mahirap ka lang, ikaw ay ‘pandak’ o ‘bansot’
Kung socialite ka, ikaw ay ‘pleasingly plump’
Kapag mahirap ka, ika’y ‘tabatsoy’ o ‘lumba-lumba’ ...pagminamalas ka, ‘baboy’ pa
Kapag mayaman, ‘fasting’ ang hindi kumain
Kung mahirap, ‘nagtitiis’
Kung well-off ka at date ka rito, date ka roon, ang tawag sa iyo ay ‘socialite’
Kung mahirap ka, ikaw ay ‘pakawala’ o ‘pok-pok’
Kung mayamang alembong ka, ang tawag sa iyo ay ‘liberated’
Pero kung isa kang dukha, ang tawag sa iyo ‘malandi’
Kapag mayaman, ‘misguided’ o ‘spoiled’ ka
Kung mahirap ka, ‘addict’ o ‘durugista’
Kung may pera ka, ang tawag sa iyo ‘single parent’
Pero kung wala kang trabaho, ang tawag sa iyo ‘disgrasyada’
Kapag mayaman at sexy, ‘fashionable’ raw
Kung mahirap, sigurado ‘GRO’ o ‘japayuki’ ka
Ang tawag sa mayayamang puro gulay ang kinakain, ‘vegetarian’
Habang kakaawa ang mahirap na ‘ kumakain ng damo.’
Sa exclusive school, ‘assertive’ ang mga batang sumasagot sa mga guro
Pero pag ang mga mahihirap na bata ang sumasagot sa mga guro, ang tawag sa kanila ay ‘bastos!’
Ang mayamang tumatanda, ‘are graduating gracefully into senior citizenhood’
Ang mga mahihirap ay ‘gumugurang’
Ang anak ng mayaman ay ‘slow learner’
Ang anak ng mahirap ay ‘bobo’ o ‘gung-gong’
Kung mayaman ka at marami kang kumain, you flatter your host who says,
‘masarap kang kumain and I like you, you do justice to my cooking’
Kung ghastly peasant ka eating the same amount in the same house, your host will say to himself na ikaw ay ‘patay-gutom’
Kung graduate ka ng exclusive school at sa ibang bansa ka nagtatrabaho, ang tawag sa iyo ‘expat’
Kung mahirap ka lang, ikaw ay ‘contract worker’
18.9.08
ang laban ni brad
Nagpahayag si Brad Pitt noong miyerkules na maglalagak siya ng $100,000 upang tutulan ang Proposition 8 ng
tara na sa BAñAMOS festival!
Bañamos Festival 2008 (7th Bañamos Festival)
17 September, Wednesday
7:00am-9:00am Civic Parade - Festival kick-off (Olivarez Plaza to municipal hall)
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-12:00nn 393rd Foundation Anniversary Program (Municipal covered court)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00pm-12:00m Barangay Night - Get-together party (Municipal covered court)
18 September, Thursday
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00pm-12:00mn Bailamos - Dance challenge (Municipal covered court)
19 September, Friday
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00pm-12:00mn Himigsikan - Battle of the bands (Municipal covered court)
20 September, Saturday
8:00am-2:00pm Buko Pie at palarong pinoy (Paciano Rizal Park)
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale (Participating stores)
7:00pm-12:00pm Miss Los Baños Pageant Night (Municipal covered court)
21 September, Sunday
8:00am-5:00pm Spa & Wellness Fair / Barangay Trade Fair (Paciano Rizal Park)
9:00am-7:00pm Bañamos Sale - Great town-wide shopping & holiday bargains
(Participating stores)
7:00am-6:00pm Bayle sa Kalye - Street dancing competition
(Olivarez/Poblacion streets to municipal covered court )
7:00pm-12:00mn Grand Revelry - Kaleidoscope of lights & sounds
(Paciano Rizal Park)
For more information:
You can contact the Bañamos Secretariat at Tel. No. (049) 536-1385.